because “i love you” comes so easy…

"I love you."

Andaling sabihin. Kasindali din ng pagsabi ng "I love you, too".

Minsan tuloy, pag sinasabi yan sakin, di ko na alam kung totoo.

Pa’no kung maniwala ako tapos kasinungalingan lang pala? Masasaktan na naman ako. E pa’no din naman kung di ako maniwala pero totoo na nga?

Tulad ngayon. Ilang beses na ba niyang sinabi na mahal niya ako. Pero asan siya? Hindi ko alam kung ano na nangyayari sa kanya pero mukhang alam ko na kung kelan siya ulit susulpot… At parang alam ko na rin kung kelan siya ulit mawawala pagkatapos nun.

Sana pag sinabi niyang mahal niya ako, ipakita din niya. Hindi yung sasabihin niya tapos bigla na alng siyang mawawala. Andali kasing magsabi ng "I love you"…

…lalo na kung ginagawa mo lang biro.

One Response to “because “i love you” comes so easy…”

  1. em Says:

    ang bigat…
    agree…
    un lang…

Leave a Reply