Kwentong January to December
Friday, December 30th, 2005Last entry ko na ‘to for this year.
Di na nga
sana
ako magpopost pa. kaso lang, napag-isip-isip ko kanina ang mga pangyayari sa taon na ‘to. My natural instinct is to write it in my diary. Shempre, walong taon na akong nag-didiary. Nakasanayan ko na kaya yun ang una kong naisip. Kaso lang, naiwan ko sa dorm ang diary ko e. kaya dito na lang muna. Alternative ng diary.
January.
Greenbelt . Sabi sakin dati, pag unang beses mo pumunta sa simbahan, magsabi ka ng tatlong wishes. Matutupad daw. First time ko naman pumunta dun e. actually, isa lang ang hiniling kong wish para dun sa tatlong slots ng wishes ko para lalong malakas ang power. Kaso lang, di natupad e. Ewan ko ba. Nakakalungkot. Wala ako masyado maalala. Ang alam ko lang, first time ko magsimba sa
Isang masayang bagay ay nagkita-kita kami ulit ng Kurtsie ko. Kumpleto kami. Dito sa bahay ang meeting place. Dito na din ang lunch, merienda, etc. Nung gabi na, umalis kami. Pumunta sa school. University days kasi. Pero bago yun, dumaan muna kami sa mall. Nagpa-studio pic. Hehe. Yung last group pic kasi namin ay nung high school pa. ayun. Ang ganda ng pictures namin. =)
February.
Isa sa mga pinaka-emotionally stressful na buwan sa taon na ‘to. Madaming mga masaya, malungkot, nakakainis, nakakagalit, nakakabadtrip, exciting na bagay na nangyari. Lahat na ata ng emotions naramdaman ko. Isama na rin ang takot at kaba na dala ng Neuro sa buhay ko.
This month ko pinanood ang “Phantom of the Opera”. February din nung nagkita kami ni Nins sa Glorietta at pumunta sa Capone’s para sa Rivermaya party.
Ampayat ko this month. Ito ang buwan na naglalakad ako sa daan na wala akong nakikita. Lagi kasing tulala. Ilang beses din ako nasagasaan sa buwan na ‘to. Palipad-lipad kasi ang isip.
Ayaw na ayaw ko sa huling linggo ng February. Katext ko nung mga oras na yun si Margie at sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya dahil dinamayan nya ko. Kaso na-lowbat ako at nasa jeep ako nun. Pauwi ako sa dorm, kaso di ko na matiis. Bumaba ako sa Quiapo. Pumasok sa simbahan. Dun na ako umiyak. At least, kung sa simbahan ako iiyak, di ako pagtitinginan ng mga tao. E kung sa jeep, pagtitinginan na ako, pag-uusapan pa pagbaba nila.
Pagbalik ko sa dorm, tumawag si Nins. Kanina pa daw tumatawag pero di makontak phone ko. Antagal ko siya kausap. Halos isang oras din ata yun, kahit na Globe siya at Sun ako. Buti na lang andun sila. Kailangan ko talaga ng kaibigan nun.
March.
Nagkita kami ni Nins dahil sa problema ko. Isang araw ng sobrang katakawan. Naglunch kami sa Pizza Hut (chicken meal na di ko na maalala ang pangalan, spaghetti with meatballs, french fries at iced tea). Actually, pizza talaga ang craving ko nun pero di yun ang inorder ko at di ko alam kung bakit. Pagkatapos nun, kumain kami ng ice cream. Lumipat kami sa kabilang mall at naglaro ng HOUSE OF THE DEAD 2. Buti na lang dumating si Daddy Sonny. Paubos na kasi ang tokens/coins namin at konti na lang matatapos na namin yung game. Pagdating ni Sonny, siya ang nagpapalit nung pera para may magamit pa kami. Ayun! For the first time, natapos namin ang game. Natupad ang isag pangarap. Hehe.
Aalis na dapat agad si Sonny kasi ka-meet niya yung thesis mate nya. Kaso pinilit ko siya na mag-stay. Sabi ko yung thesis mate na lang nya papuntahin nya kung asan kami. Tinext nya. Ayun, pumayag naman kaya nakilala namin ni Nins si Errol.
Ang saya talaga kapag kasama ang friends.
April.
plano ko sa buhay. Basta, devastating. Andun ulit ang uncertainty, fear at feeling of failure. Pero alam ko naman na this time, kasalanan ko kung bakit nagkagulo ang studies ko. Sobrang naging out of focus kasi ako.
Magulo ang April. Dahil sa mga di inaasahang pangyayari, nagulo na naman ang mga
Ano bang masayang pangyayari nun? Hmm…shempre, medyo madalas ko ulit nakikita high school friends ko kasi bakasyon na. Saka graduate na sina Jens at Eric at masaya ako para sa kanila. Graduate na rin sina Margie, Riane, Mark at Errol.
At sa di sinasadyang pagkakataon, nakita ko din nga pala si Mark sa People Support.
May.
Graduate na din si Nins! Nanlibre siya sa resto kung saan may party ang amigas ni Jens. Hehehe.
Binago ko na din nga pala nun ang mga
plano ko sa buhay. May nakita kasi akong posibleng solusyon sa problema ko kaya kahit paano, nagkaroon ng hope.
June.
After almost two years, nagbowling ulit ako!!! Well, di naman ako magaling pero masaya pa rin.
Tapos enrolment, at nakakatuwa kasi things are going as planned. Kaso nung first day of class, magulo na naman. Dahil sa mga dahilan na hanggang ngayon hindi totally clear sa akin, ginulo na naman ang buhay ko. Di na naman pwede ang
plano . I wanted to die. Really. Sobrang sleepless nights ulit. At madaming luha. Nakita na naman nga ako ni Dhates na umiiyak dahil sa ganitong dahilan. Lagi nalang siya ang nakakakita sakin pag umiiyak ako sa ganun. Nakakalungkot kasi this month din umalis si Dhates to go abroad. Nakakamiss yun e.
July.
After a long time, umattend ako ulit ng Rivermaya gig.
This month din ata naaksidente si Dhates. Pero hindi ako sure. Baka nga early August na yun e.
Wala akong masyadong maalala na July events. Masyado yata akong nawindang nung June kaya umabot hanggang July. Lumabas nga pala kami ng Kurtsie ko para sa birthday celeb ni Jonas.
August.
Birth month ko. I don’t like this birthday. Basta.
Umattend din nga pala ako ulit ng gig this month, after which I told myself na di muna ako ulit aattend ng gig unless I deem it safe. Pag pauwi na kasi ako lang mag-isa. Unlike before na kasama ko si Dhates. Around 2 or 3am na kasi natatapos ang gig plus kwentuhan. Kaya delikado talaga. Plus ito pa yung month na sobrang naging sakitin ako. Lagi na lang nilalagnat, nahihilo, nanghihina, nagsusuka. I still attribute it to my June devastation. Wala akong ibang maisip na dahilan. Ehehe
Sinimulan ko na din nga pala gamitin ang Globe SIM card ko.
September.
No beer month ko ‘to. Kailangan kasi may gawin na ako para bumuti naman ang health ko. Not that I’m a heavy drinker. Sobrang hindi nga e. Kaso lang, inisip ko kasi na kahit maliit na bagay lang, it would still count kaya pinilit kong ayusin ang eating/drinking habits ko.
September 2 nung Globe SIM na ang ginamit ko for good. Di ko na ginamit yung Sun.
October.
Natapos ang first sem. Mabuti na lang at wala ng further problems.
Graduate na si Daddy Sonny!!!
Mejo problemado din ako sa month na ‘to pero sa ibang dahilan naman.
Saka no beer month pa rin pala.
November.
Rizal Park . Last month lang ito pero bakit paran wala akong maalala. Nun ako nagsimula mag-jogging/maglakad sa Baywalk at sa
Ano pa ba? Tsk tsk..wala ako maisip (pagod na siguro, 2 oras na ako nag-iisip ng mgapangyayari at nagta-type).
December.
Summit . Visits to so many relatives. Andaming pangyayari. At nagpagupit pa nga pala ako ng buhok. Exchange gifts. Christmas parties. Lantern parade. Ay, di nga pala ako naka-attend ng lantern parade. Funerals. Meetings. MTV Music
Inoperahan din nga pala si Joshua, my cousin. Sa ospital nga sila nagPasko e. nakakalungkot.
Nakakapagod ang Pasko dito sa bahay. Andaming dumating. Kala ko nga sobra-sobra ang niluto namin but at the end of the day, ubos lahat ng pagkain.
This month ko din nga pala na-meet si Tito Onie.
Ano pa ba? This month din naging champion sa SEA Games ang Pilipinas!!! Yey!
At bago matapos ang taon, kailangan ko na naman ng panibagong mga
plano . Kailangan.
…bakit parang bawat buwan ay may malungkot?
Well, dapat sa 2006 masaya na talaga. =)
Sana…