Saturday
Nung Saturday, pinuntahan namin ng classmates and friends si Joy. After that, pumunta kami nina Nins at Eugene sa Balibago. Actually, wala naman talaga kaming naisip na puntahan. Basta no particular place in mind. Mejo matagal-tagal din kaming naglalakad. Sa Sax sana, kaso masyado pang maaga. Sa Spencer’s ang unang naisip ni Nins kaso hindi rin. Naisip din namin pumunta sa Nepo, kasi may mini concert, kaso lang, "no beer month" ko ngayon, at puro inuman don…
So ang nangyari, nag-coffee na lang kami. Pumasok na kami sa isang coffee shop (na nakalimutan ko na ang pangalan. Di naman sa Beatico yun, di ba?), tapos bigla naisip ni Eugene na sa Casino nalang. So ayun, nagcoffee kami sa Figaro sa Casino Filipino.
The best thing about it is our conversation. Nun ko lang nakausap nang ganun si Eugene. Naloka ako. Hindi talaga ako nakatulog that night (malamang dahil din sa kape na di ko naman talaga iniinom..) dahil may nabanggit siya na bumabagabag talaga sakin. Sa totoo lang, hanggang ngayon, mejo bothered pa rin ako.
Haaayy…pero minsan naiisip ko rin, "so what?!" Kung ganun ba talaga e. Basta. Ang gulo. May exam pa ako bukas. Hindi ako makaaral dahil kung anu-anong bagay ang nasa isip. At nababadtrip na naman ako sa isang tao. Sino kaya? (oi, ikaw. nakakainis na ha!)