Maraming kwento…
1. anung kwento ng pangalan mo?
* si papa (lolo ko sa mother side) at si tita zeny nag-isip nyan. Lalane dapat (as in walang letter i) para iba, kaso lang sabi ni papa mas ok kung may "i" so naging lalaine. kaya lang masyado daw common, kaya ayun, nilagyan nila ng "a" sa simula, naging alalaine. gusto yun ni papa kasi daw parang "way of god" (talagang ginawan niya ng meaning ang pangalan ko…) "allah" (kahit di kami muslim) at "lane". tapos dapat dadagdagan pa nila ng jacqueline, so magiging alalaine jacqueline na…pero nagbago ang isip nila. buti na lang. =)
2. anung kwento ng parents mo?
* ayon kay daddy: "pinikot lang nya ako"
ayon kay mama: "brownout e, hindi ko alma na siya pala pinli ko." (maitim kasi si daddy. hehe)
…pero shempre, hindi yan ang buong kwento. mas kilig. =)
3. anung kwento nung 7th bday mo?
* hmmm…may handaan ata dito sa bahay. lagi naman ganun e. hehe. di ko na maalala.
4. anung kwento last bday mo?
* saturday yun e..but i spent it at home. i baked a cake for myself (sabi ni eric dapat daw bumili nalang kami…kaso lang, where’s the fun in that, di ba?) tapos nagluto kami nina mama at love. masaya na sana e..tapos, nagyaya umalis si daddy. punta daw kami sa ibang relatives. ayun, pagpunta naman dun mejo nainis lang ako (iilan lang ang may alam ng dahilan).
5. anung kwento ng 1st lovelife mo?
* second year highschool yun (bakasyon). hindi siya dumating nung araw na dapat magiging kami na (late may 1999). everyday since then, hinihintay ko siya…pero ewan, naglaho siya sa di malamang kadahilanan. Nakasalubong ko siya sa daan bago mag-new year. He pretended not to see me (and my aunt na ka-close niya!). Nung 2001, sumakay ako sa jeep. Nung iaabot ko na yung bayad ko, biglang may nagsabi, "ali na, pemayad da na ka (wag na, pinambayad na kita)". Pagtingin ko sa nagsalita, siya. Ngumiti lang ako at nagpasalamat. Hindi kami nag-usap pa…mabuti na rin siguro na ganon (hmmm…siguro may asawa na siya ngayon. hehehehe..)
7. anung kwento ng cellphone mo?
* regalo yan ng paborito kong uncle. =)
8. anung kwento ng computer mo?
* problema ko ‘to. sirain.
9. anung kwento ng kwarto mo?
* Ang una kong kwarto ay sa bahay nina mama. White walls. Minsan, umalis si mama. Pagbalik nya, puno na ng drawing. Two years old ata ko nun. Tapos, kina lola ako tumira. Ang naging kwarto ko, yung dating kwarto nina Mama at Tita Lody. Nine years old ako nun. When papa passed away, ayaw na ni lola sa master’s bedroom. Dalawa lang naman kami sa bahay at tatlo yung kwarto. Dun siya sa dating kwarto nina Uncle Jhay at Uncle Wernie. Ako na ang gumamit nung dating kwarto nila. Favorite ko yun. May tv, aircon, vhs, radio, electric fan, study table, etc. Nung pumunta na sa States si lola, binenta yung bahay nina mama (hindi ko pala nabanggit na magkapit-bahay lang kami). Kasama ko na sila sa bahay. Sila ni Daddy gumamit ng kwarto ko. Si Nel ang gumamit ng kwarto ni lola. Kami ni Love sa dating kwarto nina mama at tita. Nineteen ako nun. Hanggang ngayon dito pa rin ako. Ang habang kwento noh?
10. anung kwento mo last christmas?
* Nakakapagod, kasi nagbake kami ulit ng kung anu-ano dahil andaming bisita kaya ubos lagi ang pagkain.
11. anung kwento mo last valentine’s day?
* Kumain sa Yellow cab at nanood ng Phantom of the Opera. =) (happy day!)
12. anung kwento ng sapatos na suot mo ngayon?
* wala akong suot na sapatos ngayon.
13. anung kwento nung una mong nakita mo yung
crush mo?
* yung isa, fate brought us together (haha…) tapos yung isa naman, bumili ako ng onion rings at nakita ko siya.
14. anung kwento sayo ng nanay mo tungkol kay
santa?
* sabi lang niya "santa claus" ang pangalan nung nagbibigay ng gift. bawat regalo kasi nun "from santa claus". Wala naman silang kiukwento e. Pero pag nakikita ko sa Tv si santa, iniisip ko si daddy yun. hehehe
15. anung kwento tungkol sa inyo ng bestfriend
mo?
* elementary. buong araw magkasama kami sa school. pag-uwi, tatawag ako or tatawag siya sa amin. telebabad. titigil lang kami pag kakain na. tapos tawag ulit. di kami nauubusan ng mapag-uusapan. isang araw, at marami pang araw pagkatapos nun, niloko nya ako. after about two months, nalaman ko ang panloloko nya, nawalan na ako ng tiwala sa kanya. grade 5 ata yun. wala na akong bestfriend mula nun.
16. anung kwento nung last movie na pinanood
mo?
* may highschool student na hindi pa rin graduate. nagpa-tutor siya. nagkatuluyan sila ng tutor niya ("my tutor friend" courtesy of Aaron. Ü)
17. anung kwento tungkol sa huling lugar na
pinuntahan mo?
* kahapon galing ako sa Apo. Madaming tao dun tuwing Friday.
18. anung kwento nung last time na umiyak ka?
* Nanonood ako ng Amazing Race family edition. Tapos sa New Orleans ang location, bago pa nag-strike ang hurricane Katrina. Naiyak ako kasi…wala, naiiyak na naman ako. Wag na lang.
19. anung kwento ng greatest achievement mo so
far?
* Survival ko siguro. Buhay pa ako. Achievement na yun.
20. anung kwento nung huling librong binasa mo?
* compilation yun ng maraming articles e, kaya maraming kwento.