disconnected
<lagi na lang akong nadidisconnect>
Wednesday. Wala akong class. May inasikaso ako na higit sa isang taon ko nang pinostpone. Mabuti naman ang kinalabasan. =)
Thursday. Nagkita kami ni Nins sa Glorietta. Shempre, as usual, masaya (kahit mali ang nasakyan ko pauwi at napagsarhan na naman ako ng dorm..hehehe). =)
Friday. Mejo badtrip ang araw na ‘to. Naiinis na ako sa mga tao sa University Registrar. At hindi ko pa naabutan ang Survivor Guatemala. Past 9pm na kasi ako nakarating sa bahay. Mejo traffic kasi ang palabas ng Manila area. Tapos pagdating na pagdating ko pa sa bahay, nagtext ang groupmate ko na may meeting daw kami the following day. Hassle naman kung magbi-byahe na naman ako nang maaga. Buti na lang pwedeng isend nalang sa email ang part ko. =)
Saturday. Bigla nalang naglaho ang load ko. Basta paggising ko, wala na akong load. Sayang. Marami pa yun. Andaming mga nagrereply sa Physag namin ngayon. Kahit ngayon, habang nagta-type ako para sa blog, may mga message alerts na dumarating. Dalawang araw na lang kasi before the deadline. Buti na lang at nagawa ko na yun dati. =)