Lost Words

Picture054a Just a few weeks ago, magkausap kami ni Nins sa phone. Napag-usapan namin ang isang common problem namin lately. Pareho kaming nawawalan ng vocabulary (at mali pa ang wording nito. Wala lang akong maisip na ibang salita). Nakakafrustrate kasi pareho pa naman kaming mahilig magsulat, tapos biglang ganito na basta na lang namin hindi alam kung anong kasunod ng sasabihin namin. Tapos there are also times na sobrang simple lang ng isang salita, hindi ko talaga maisip kung ano. Nakakainis.

Nagsimula ito bago ko pa palitan ang pangalan ng blog ko. Dati kasi "Glimpse of My Seishin" ang title nito. Tapos ngayon, as you can see, "Dotted Fragments" na. Mas akma kasi sakin ‘to lately e. Puro mga "hanging" (haha. kanino ko kaya galing ang word na ‘to? hello sa ‘yo. Ü) sentences na lang nagagawa ko.

Lalo ko pang napansin ‘to kahapon. A friend asked for my help regarding a business letter. It should’ve been a very simple task, considering na maikli lang naman yung sulat. Kaso lang, na-stuck kami sa isang paragraph. It took us almost three hours to finish it when, normally, it should’ve been done in just a few minutes. At sa tingin ko hindi pa talaga yun matatapos if his grandfather didn’t help us out. Siguro naawa na siya sa aming "fervent desire" to finish the feverish task <wink>.

Leave a Reply