[i can't think of an appropriate title]

I wish I could jump as high as the sky.

Nung elementary pa ako (I think it was in sixth grade), napanaginipan ko na tumatalon ako from one mountaintop to another. Ang saya ko nun, hanggang sa isang pagtalon ko, hindi ako umabot dun sa tuktok ng bundok. Nahulog ako. Antaas-taas nun, pero nakakagulat nga kasi hindi ako nasaktan (shempre, panaginip nga kasi), ramdam ko lang yung adrenaline rush (na hindi ko pa alam noon na ganun ang tawag. Ü) Pagbagsak ko, may nakita akong tent sa gitna ng malawak na lupain. Nung pumasok ako dun, nagsimula ng maging nightmare ang magandang panaginip ko.

Iniisip ko kasi kanina kung ano na ba ang nangyayari sa buhay ko (andrama na naman!) tapos bigla kong naisip yung panaginip na yun. Parang ganun kasi ang nangyayari sa buhay ko ngayon (though I really don’t believe in premonitory dreams, ni-relate ko lang talaga. Ü). Things were going really great. Everything was exactly as planned, kumbaga. Tapos bigla akong lumagpak. Pumasok ako sa tent para mashelter pero lalo lang ako namroblema.

Hindi ko alam kung may makakaintindi ba ng mga sinasabi ko. Hindi rin naman kasi ako sanay na basta-basta na lang nagkukwento ng buhay ko kahit kanino. Kadalasan kasi nagsusulat lang ako sa diary (na, shempre, wala naman ibang bumabasa). Kundi naman ganon, itetext/tatawagan ko si Nins (pag sa cel, siya tatawag sakin. Ü) o kaya pupuntahan ko si Holly sa dorm.

Ano ba ang gagawin ko? Sa ngayon, may mga bagong plano na ako sa buhay (dahil di na pwedeng tuparin ang mga dating plano). Ganun naman yun, di ba? Pag hindi pwede ang isang daan, hanap ka ng iba para makarating ka sa gusto mong puntahan. Hindi naman pwedeng basta mo nalang titigan ang dead end. Actually, pwede rin pala, kaso lang wala ka ng patutunguhan pag ganun. Hanggang dun ka nalang.

Sana naman maging maayos na ulit ang mga bagay-bagay. I’m far from being contented with my life right now. Marami pang mga bagay na dapat gawin. Marami pa akong gustong marating. And if things fall out as planned, then maybe I could finally jump as high as the sky.

Leave a Reply